kumpanya

Mga kumpanya ng langis, magpapatupad ng dagdag-presyo

National News

Magpapatupad ng taas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang kumpanya simula bukas, araw ng Martes.

Sa anunsyo ng Shell, nasa sampung sentimos sa kada litro ang idadagdag sa kanilang gasolina, apatnapung sentimos sa kada litro ng diesel at labing limang sentimos sa kada litro ng kerosene.

Sa abiso naman ng PTT Philippines at Total, sampung sentimos sa kada litro rin ang idadagdag sa kanilang gasolina habang apatnapung sentimos sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang taas-presyo ng nasabing mga kumpanya alas sais ng umaga bukas.

Matatandaang noong nakaraang linggo lang ng magpatupad ng big time oil price hike ang mga kumpanya ng langis bunsod ng pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at ikalawang bugso ng higit dalawang pisong excise tax ngayong Enero.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *