criminal liability

Panukalang ibaba sa 9 na taon ang edad ng criminal liability, lusot na

National News

Aprubado na sa committee level ng Kamara ang panakulang ibaba sa 9 na taon, mula 15-taon ang edad ng criminal liability.

Pinagtibay ng House Justice Committee ang substitute bill na nagpapababa ng minimum na edad ng may pananagutan sa batas at walang tumutol dito.

Una nang sinabi sa pagdinig ni Committee Chairman at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon na binibigyan niya ng importansya na baguhin ang Juvenile Justice System.

Dagdag ni Leachon, napapanahon na para ipasa ang panukalang ibaba sa 9 na taon, mula 15 taon ang edad ng may pananagutan sa batas para ma-protektahan ang mga bata na magamit ng mga sindikato.

Bago ang hearing ay ipinatawag muna ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga miyembro ng House Justice Committee para sa executive session.

Tumagal ng halos isang oras ang closed door meeting ni Arroyo sa ilang kongresista.

Bukod kay Arroyo ay nasa pagdinig din si House Majority Leader Rolando Andaya, Jr.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *