Iaapela

Legalidad ng ‘Angkas’, iaapela ng Kamara sa Korte Suprema

National News

Iaapela ng House Committee on Metro Manila Development sa Supreme Court ang pagresolba sa isyu sa legality ng ride sharing application na Angkas.

Ayon kay Committee Chairman Winston Castelo, kinokonsidera nila ang hakbang na ito sa oras na hindi pumayag ang Department of Transportation (DOTr) na muling makapag-operate ang angkas.

Umaapela sina Castelo sa DOTr na bawiin ang kanilang petisyon sa kataas-taasang hukuman laban sa Angkas.

Noong Enero 18, nagpulong ang mga opisyal ng DOTr para pag-usapan ang department order na posibleng magpapahintulot sa ride-sharing app na ito na makapag-operate muli.

Una nang umapela ang ilang kongresista na payagan na ang operasyon ng Angkas dahil malaking tulong ito sa mga mananakay lalo’t hind pa nareresolba ang isyu sa trapiko.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *