lalabag

Mga lalabag sa illegal parking at obstruction of traffic sa Makati at Mandaluyong, huhulihin na simula Enero 28

Metro News

Sisimulan ng hulihin ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga motoristang lalabag sa illegal parking at obstruction of traffic sa bahagi ng Makati at Mandaluyong City

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, mahigpit na ipatutupad ng MMDA at mga traffic enforcers ng Makati at Mandaluyong ang no parking rule at paghuli sa mga motoristang lalabag nito upang maiwasan ang traffic congestion.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa Estralla-Pantaleon Bridge sa rehablitasyon na tatagal ng higit isang taon.

Batay sa initial assessment ng Mmda, nasa 37 ang naitalang lumabag sa obstruction at illegal parking kahapon, Enero 21 mula 5 am – 1 pm.

Gayunpaman, hindi muna binigyan ng ticket ang mga nahuli bagkus pinagsabihan lang ang mga ito.

Kasabay nito, nanawagan si Garcia sa lahat ng mga motorista na kailangan ang kooperasyon ng bawat isa at pagkakaroon ng disiplina para maiwasan ang matinding bigat ng daloy ng trapiko.

North Ave. sa Quezon City, isasara ng MMDA simula ngayong araw

Isasara ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bahagi ng north avenue sa Quezon City.

Ito ay upang bigyang daan ang konstruksyon ng MRT-7.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, asahan na ang matinding trapik na mararanasan ng mga motorista sa nasabing lugar.

Pinayuhan ang mga motorista na babagtas sa North Avenue patungong Quezon Memorial Circle na dumaan sa Agham Road o gumamit ng mga alternatibong ruta.

Sa tala ng MMDA Traffic Engineering Center, nasa 8,728 sasakyang bumabagtas sa  Elliptical Road-Quezon Memorial Circle, samantalang  1,419 behikulo mula North Avenue hanggang  Quezon Memorial Circle tuwing rush hour sa umaga.

Samantala, sinabi ni Garcia na simula sa Lunes ay sisimulan na ang panghuhuli sa mga violators ng yellow lane o solid lane sa Eliptical Road sa pamamagitan ng “No Contact Apprehension Policy”.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *