LPG

Dagdag-presyo sa LPG, inaasahan sa Pebrero

National News

MAY inaasahang dagdag-presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) na ipatutupad ang LPG Marketers’ Association (LPGMA) sa buwan ng Pebrero.

Animnapung sentimo hanggang piso at limampung sentimo ang inaasahang idadagdag sa kada kilo ng 12 kilograms na tangke ng LPG.

Samantala, nagpatupad na ng pagtataas sa excise tax ang ilang brand ng LPG.

Ayon sa LPGMA, ang nasabing pagtaas ay epekto ng panibagong paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *