Pinoy rock icon

Legendary Pinoy rock icon Pepe Smith, pumanaw na

Showbiz

PUMANAW na ang legendary Pinoy rock icon na si Joey ‘Pepe’ Smith sa edad na 71.

Ang malungkot na balita ay ibinahagi online ng kanyang anak na si Daisy Smith-Owen ngayong umaga.

Ayon kay Daisy, madaling araw nang isinugod sa ospital ang kanyang ama.

November 2017 nang mai-stroke ang singer at kamakailan lang din ay sumailalim ito sa eye operation.

Naging bahagi ng iconic Juan Dela Cruz Band kasama sina Wally Gonzalez at Mike Hanopol si Smith.

Bago ang matagumpay na solo career nito.

Kilala ang Juan Dela Cruz band sa kanilang mga sikat na kanta.

Kagaya ng “Beep Beep,” “Balong Malalim,” “Titser’s Enemy No. 1,” at maraming iba pa.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *