job figures

Malakanyang, kinontra ang job figures ng IBON Foundation

National News

KINONTRA ng Malakanyang ang mababang job figures ng Administrasyong Duterte na inilabas ng IBON Foundation mula 2017 hanggang 2018.

Base sa ulat ng IBON Foundation mayroon lamang 81,000 na trabaho ang nalikha ng gobiyerno sa nasabing taon.

Taliwas umano ito sa totoong nalikha na trabaho ng pamahalaan na 826,000 para sa bansa noong 2018 lamang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maituturing na “mathematically impossible” ang nasabing ulat ng nasabing research group.

Kung pagbabatayan nito ang data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Panelo, malisyoso ang report ng IBON Foundation para paliitin ang achievements ni Pangulong Rodrigo Duterte.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *