Manila Bay

Trak-trak ng basura, nahakot sa Manila Bay

National News

NAKAHAKOT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng halos sampung trak ng basura sa unang araw ng rehabilitasyon sa Manila Bay.

Ayon sa MMDA, katumbas ito ng apatnapu’t anim na toneleda ng basura.

Nasa limang libong tauhan ang MMDA ang nanguna sa paghahakot ng basura katuwang ang iba pang mga volunteer group buhat sa ibang sektor.

Nagpadala din ang MMDA ng isanlibong tauhan na tumulong sa paglilinis sa lawa.

Bago ang aktuwal na paglilinis ay nagtipon-tipon ang mga volunteers sa Quirino Grandstand sa Rizal Park at nagsagawa ng “solidarity walk” sa Baywalk.

Samantala, nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Dumalo sina AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal at PNP Chief Oscar Albayalde sa unang araw ng paglilinis sa Manila Bay.

Nagpadala ang AFP ng nasa pitundaang sundalo mula sa army, airmen, sailors at marines.

At mga equipments para makilahok sa “Manila Bayanihan para sa Kalinisan.”

Ito’y bilang bahagi ng commitment ng AFP sa environmental security at maibalik sa dati ang kagandahan ng Manila Bay.

Samantala, daan-daan ding mga pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nakiisa sa pangunguna ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar.

DICT, magkakabit ng sensor sa Manila Bay

NAKIISA rin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Sinabi ni DICT Sec. Eliseo Rio Jr. na mag-i-install sila ng mga sensor sa Manila Bay para i-monitor ang pollution levels.

Sa panig ng DPWH, sinabi ni Sec. Mark Villar na bibili sila ng trash skimmers na nakalaan lamang para sa Manila Bay.

Dumalo din sa pagsisimula ng rehabilitasyon ng Manila Bay ang ilang cabinet secretaries.

Gaya nina Interior Sec. Eduardo Año at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Nagsagawa din ng unity walk ang mga opisyal ng gobiyerno sa pagsisimula ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Mga LGU na nagpabaya sa Manila Bay, pananagutin

BINALAAN ni Department of Interior and Local Government (DILG) undersecretary Epimaco Densing III ang mga lokal na pamahalaan.

Kapag mapatutunayang nagpabaya ang mga ito kaya nasira ang Manila Bay.

Sinabi ni Densing na sasampahan nila ng kaso ang mga Local Government Units (LGUs) na hindi susunod sa kanilang reponsibilidad sa Manila Bay.

Ayon kay Densing, may nakasuhan na silang mga local chief executives dahil sa usapin na ito.

Nabatid na hindi lamang NCR, kundi maging ang Region 3 at Region 4-A ay nakakabit din ang estero sa Manila Bay.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *