Julia Barreto

Julia Barreto itinigil ang 2-week vacation dahil sa “homesickness”

Showbiz

NAGLALAKBAY ang aktres na si Julia Barreto sa mga bansa sa South America at kumukuha ito ng mga stunning photos ng Cuba at Mexico.

Ngunit inanunsyo ng aktres sa kanyang Twitter na uuwi na ito sa Pilipinas ng maaga sa inaasahan dahil sa naramdaman niyang homesickness.

Nitong Enero 31 lamang ay sinabi ni Julia na maglalakbay ito ng dalawang linggo.

Ngunit  mahigit kalahati  pa lamang ng solo adventure nito ay mistulang satisfy na siya sa pag-sightseeing.

Kabilang sa mga bansang binisita ng aktres ang Tulum, Mexico, Havana, Cuba at ang Machu Picchu ng Peru.

Inilarawan naman ng aktres ang UNESCO World Heritage Site bilang “stunning, breathtaking and life changing.”

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *