mandatory vaccination

Mandatory vaccination, ipinag-utos ng Malakanyang

National News

IPINAG-utos ng Malakanyang na ipatupad ang mandatory vaccination.

Matapos ideklara ng Department of Health ang measles outbreak.

Kabilang sa outbreak ang National Capital Region (NCR), Central Luzon, Calabarzon, Central at Western Visayas.

Inaatasan ang gobyerno na bigyan ng libreng bakuna  ang mga sanggol na hanggang limang taong gulang sa anumang ospital ng gobyerno at health centers.

Sa ilalim ito ng Republic Act (RA) 10152 o ang Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011.

Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Nograles na ang naturang bakuna ay para sa tigdas at iba pang vaccine-preventable diseases.

Katulad ng tuberculosis; diphtheria, tetanus at pertussis; poliomyelitis; mumps; rubella o german measles; hepatitis-b; at h. Influenza type b (HIB).

Mahalaga rin aniya na magamit lahat ng makinarya ng gobyerno at health sector.

Para maipaalam sa publiko ang libre at ligtas na bakuna para mabigyan ng proteksiyon ang mga bata sa lahat ng panig ng bansa.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *