measles outbreak

WHO, ikinabahala ang measles outbreak sa Pilipinas

National News

IKINABAHALA ng World Health Organization (WHO) ang idineklarang measles outbreak sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Gundo Weiler, kinatawan ng WHO sa bansa, nuong isang taon pa nila binabantayan ang outbreak ng tigdas.

Kung saan aabot sa 20,000 mga pasyente na ang napaulat na tinamaan.

Gayunman, sinabi ni Dr. Weiler na hindi naman na sila nagulat na lumala ang kaso ng tigdas sa Pilipinas.

Dahil sa kulang ang kumpiyansa ng mga Pilipino na tanggapin ang vaccination program.

Batay sa tala ng WHO, aabot lamang sa pito mula sa 10 mga bata na may edad 17 pababa ang nabakunahan.

Kungsaan kabilang na ditto ang bakuna kontra tigdas.

Ipinagmalaki naman ni Health Secretary Francisco Duque III na mas dumami na umano ang mga magulang na nagpupunta sa mga health centers.

Para pabakunahan ang kanilang mga anak.

Paliwanag naman ni Duque, resulta ito ng ginagawa nilang pag-iikot sa mga komunidad.

Upang ipaunawa ang kahalagahan ng bakuna kontra sa iba’t ibang karamdaman.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *