BARMM

Mga lider ng BARMM, manunumpa kay Pang. Duterte

National News

MANUNUMPA na sa Biyernes kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Isasagawa ang oath-taking sa Malacañang sa ganap na 3:00 ng hapon sa Biyernes.

Kasabay ito ng Ceremonial Confirmation ng resulta ng Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite canvass.

Kapag nakapanumpa na ang mga appointee ay mabubuo na ang Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Ang B.T.A. ay ang interim government ng BARMM na mamumuno rito.

Hanggang ma-i-halal ng rehiyon ang kanilang mga lider sa taong 2022.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *