pagbuo

Pagbuo ng Manila Bay Task Force, ipinag-utos

Metro News

IPINAG-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng task force na tututok sa pagbabalik ng kalinisan at kagandahan ng Manila Bay.

Binuo ng pangulo ang ‘Manila Bay Task Force’ sa pamamagitan ng Administrative Order No. 16 na nilagdaan noong Pebrero 19.

Ipinag-utos din sa AO na bilisan ang rehabilitasyon at restoration ng coastal at marine ecosystem ng Manila Bay.

Ang task force ay pamumunuan ng Environment secretary kasama ang Interior at Tourism secretaries bilang vice chairpersons.

Kabilang din sa mga miyembro ang Department of Public Works and Highways, Department of Health, Metropolitan Manila Development Authority.

Kabilang din ang Philippine Coast Guard, Manila Water Company at Maynilad Water Services Incorporated.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *