paghahakot

Malawakang paghahakot ng basura sa Manila Bay, puspusan na

Metro News

Puspusan na ang paghahanda ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa malawakang desilting o paghahakot ng basura sa Manila Bay.

Binakbak na ang bahagi ng Baywalk para madaanan ng mga heavy equipment na gagamitin sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Pinutol na rin ang isang parte ng upuan ng mga namamasyal sa Baywalk para magkasya ang papasok na mga equipment patungong seawall.

Habang binawalan muna ang pagbibisikleta malapit sa break water dahil may mga nakapwesto nang heavy equipments.

Sinabi ng DENR na sisimulan ang malawakang paghuhukay ng basura sa Manila Bay sa susunod na buwan.

Gagawin ang desilting mga 100 metro ang lawak mula sa seawall na may habang 1.5 kilometro mula us embassy hanggang Maynila Yacht Club.

Sabado nang nagsagawa ng dry rin ang DENR at DPWH sa paghahakot ng basura sa Manila Bay kung saan madaming burak ang nahakot at mga basura kasama ang mga goma o gulong ng sasakyan na nakuha sa dagat.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *