wutip

Typhoon Wutip, posibleng humina habang papalapit sa bansa

National News

Dahil malayo pa ang bagyo na may international name na Wutip ay wala pa itong epekto sa anumang bahagi ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa karagatang pasipiko o sa silangan ng Southern Luzon.

Mabagal na kumikilos pa-hilagang kanluran ang nasabing bagyo.

Inaasahang papasok sa PAR ang typhoon Wutip sa Huwebes at papangalanang “Betty.

Gayunman, posible itong humina habang papalapit sa bansa at hindi inaasahang tatama sa kalupaan.

Samantala, hanging Amihan ang nakaaapekto ngayong araw sa

  • Bicol Region,
  • Batanes,
  • Cagayan,
  • Isabela,
  • Aurora at
  • Quezon na magdudulot ng mahinang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar.

Makararanas naman ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin at posible rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng Amihan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *