nasa maayos na kondisyon

Palasyo, inilabas na ang appointment papers ng 76 Bangsamoro Transition Authority members

National News

Inilabas na ng Malacañang ang appointment papers ng 76 na miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Ito ay matapos ang limang araw makaraang makapanumpa ang mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Kabuuang 77 appointment papers ang inilabas ngayong araw ng Malacañang kabilang na ang appointment paper ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Murad Ebrahim bilang Bangsamoro Interim Chief Minister.

Nanatili namang kailangan ng pangulo ang apat na iba pang pangalan para makumpleto ang BTA na dapat buuin ng 80 members.

Ang BTA ay ang magsisilbing caretaker ng bagong tatag ng Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao Government (BARMM) habang hindi pa nahahalal ang mga unang opisyal nito sa 2022.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *