Sara Duterte

Davao City Mayor Sara Duterte, nilinaw na walang away sa kanila ni Pang. Duterte, kaugnay sa kanilang mga inendorso

National News

Walang away sa pagitan ni Davao City Mayor Sara Duterte- Carpio at ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang paglilinaw ni Sara dahil sa magkaiba sila ng iniendorso ng kanyang ama.

Hugpong ng Pagbabago o HNP ang iniendorso ni Sara, na kaniyang pinamumunuan

Habang ang president naman ay ang PDP-Laban

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Sara na magkaiba ang entity ng HNP at ng presidente.

Sa San Juan City, ini-endorso ni Pangulong Duterte si dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora sa pagka alkalde ng lungsod, habang si Sara ay ini-endorso ang anak ni dating Sen. Jinggoy Estrada na si Janella Ejercito.

Bukod dito, hindi rin kasama si Jinggoy sa mga personal na ini-endorso ni Pangulong Duterte.

Samantalang parehong ini-endorso naman ng Hugpong sa pagkasenador ang magkapatid na sina JV at Jinggoy.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *