minimum na pasahe

Pagbalik sa sampung pisong minimum na pasahe sa jeep, inihirit ng transport group

Metro News

Hiniling ng transport group na Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) sa LTFRB na ibalik sa sampung piso ang minimum na pasahe sa jeepney.

Ito ay matapos muling magpatupad ng higit pisong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio kay ACTO President Efren de Luna, sinabi nito na binabawi na nila ang pisong provisional fare rollback noong nakaraang taon dahil sa sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay de Luna, halos wala ng kinikita ang kanilang mga tsuper dahil sa patuloy na pagsipa ng presyo ng diesel, pagpapatupad ng dagdag excise tax sa langis, bukod pa ang pagbibigay discount sa mga senior citizen, estudyante at mga may kapansanan.

Umaasa ang ACTO na papanigan ng LTFRB ang kanilang petisyon matapos ang aniya’y iligal na rollback sa pasahe noong nakaraang taon matapos silang makakuha ng bagong fare matrix.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *