manny pacquiao

People’s Champ Sen. Manny Pacquiao, bibigyang parangal ng militar

Sports

Pararangalan ng militar si WBA Welterweight Champion Senator Manny Pacquiao.

Igagawad kay Pacquiao ang pagiging honorary member ng Elite Scout Ranger Regiment.

Dahil sa tagumpay sa kanilang laban ni American Boxer Adrien Broner sa MGM Grand sa Las Vegas noong Enero.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Colonel Noel Detoyato, ipagkakaloob din sa fighting senator ang Military Achievement Medal at isang manifesto plaque.

Bibigyan din siya ng military honors bilang senador.

Gaganapin ang awarding ceremony sa Lapu-lapu Grandstand Sacamp Aguinaldo, Quezon City, ngayong alas dos ng hapon.

Ang filipino boxing icon ay isa ring Army Reserve Colonel.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *