pompeo

US Secretary of States Michael R. Pompeo, bumisita na sa tangapan ng DFA

National News

Bago mag alas diyes  ng  umaga nang dumating na sa tanggapan ng Department Of Foreign Affairs si United States Secretary Of State Michael R. Pompeo bilang bahagi ng kanyang  opisyal na pagbisita  nito sa bansa

Sa kanyang pagdating sa gusali ay agad itong winelcome ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at ng iba pang mga opisyal at pagkatapos ay lumagda ito sa guest book sa main lobby.

Pansamantala munang  nagkakaroon  ngayon  ng  bilateral meeting si Locsin at si Pompeo.

Ngunit ilang sandali lamang  ay magbibigay  na ng pahayag ang dalawang opisyal sa harap ng media.

Matatandaang pasado alas otso na kagabi  nang  dumating si Pompeo sa Villamor Airbase Pasay City.

Kung saan winelcome siya ni  U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim at  Senior Bureau Official For The U.S. Department of State Bureau Of East Asian and Pacific Affairs W. Patrick Murphy.

Alas nuebe pasado kagabi, minelcome ni Pangulong Duterte si Secretary Pompeo sa Kalayaan Lounge ng Villamor Air Base.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *