arroyo

Status ng mga infrastructure projects ng administrasyong Arroyo, sisilipin ng liderato ng Kamara

National News

Sinusuri ngayon ni House Speaker Gloria Arroyo ang estado ng mga infrastructure projects ng pamahaaan partikular na ang mga proyekto na naisulong at napondohan sa panahon niya bilang pangulo ng bansa.

Ang hakbang ay bilang pagtitiyak na natatapos ang mga proyektong nasimulan sa mga nagdaang administrasyon at matukoy ang maaaring tulong na ipagkakaloob ng administrasyon dito.

Nais ding matiyak ng House Speaker na marami pa siyang improvement at tulong na maibibigay bago pa man magtapos ang kanyang termino ngayong 17th Congress.

Ayon kay Arroyo, napakahalaga ng infrastructure development para sa paglago ng isang komunidad.

Kasabay ng pagtatayo ng mga imprastraktura ay bumubuhos din ang investments at dumarami ang mga employment opportunities sa isang lugar.

Ginawa ni Arroyo ang mga pahayag na ito matapos ang kanyang ginawang pagbisita sa Naga City sa Cebu para sa planong expansion ng Cebu South Road.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *