Miss Universe 2018 Catriona Gray

Miss Universe 2018 Catriona Gray, biyaheng muli sa Indonesia

Showbiz

Matapos ang matagumpay na home coming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa bansa ay nakatakda namang mulinglumipad ang beauty queen sa Indonesia.

Kasama ang Miss Universe Organization ay sunod na bibiyahe patungo sa nasabing bansa si Queen Cat para sa coronation night ng Puteri Indonesia 2019 sa Marso-a-otso.

Dito inaasahang magkikita-kita ang present at former queens mula sa iba’t ibang pageant kabilang sina reigning Miss International Mariem Velazco ng Venezuela, reigning Miss Supranational Valeria Vazquez ng Puerto Rico at 2017 Miss Supranational Jenny Kim ng Korea.

Ang naman Indonesia ang magiging unang international trip ni Catriona sa kaniyang tungkulin bilang Miss Universe.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *