panelo

Narco-list, posibleng ilabas na sa susunod na linggo ng DILG ayon kay Panelo

National News

Posibleng ilabas na sa susunod na linggo ng Department Of The Interior And Local Government (DILG) ang narco-list na naglalaman ng mga pulitikong diumano’y sangkot sa iligal na droga.

Ito, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na kailangan tingnan ang problema sa droga na masyadong napakalaki ang banta na sirain ang lipunan.

Tiniyak naman ni Panelo sa publiko na nakahanda na ang DILG sa mga kasong isasampa laban sa mga nasa listahan.

Una nang iginiit ng Malacañang na karapatan ng mga botante na malaman kung sino ang mga pulitiko na sangkot sa iligal na droga.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *