dante jimenez

PACC Chair Dante Jimenez, pinagbibitiw sa pwesto ng CAC

National News

Personal na hiniling ni Coalition Against Corruption Sec General Alie Dizon ang pagbibitiw sa pwesto ni Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Dante Jimenez dahil sa umanoy anomalya sa loob ng komisyon.

Isa na rito ang wala aniya’y malinaw na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa daw natutugunan ng koalisyon na kinabibilangan ni Dizon ang mga kasong idinulog sa PACC.

Bagamat kinikilalang kaagapay ng PACC ang CAC, bigo daw itong makuhaan ng access sa mga umuusad na kaso sa opisina ng PACC kung meron man.

Samantala mariin namang pinabulaanan ng PACC ang mga maaanghang na salita ni Dizon.

Sa isang text message mula kay PACC Commissioner Greco Belgica, sinabi nitong pawang kasinungalingan ang mga pahayag ni Dizon at pawang paninira lang ito sa mga mas nakakataas sa kaniya.

Naging gawain na din daw ito ni Dizon kapag hindi nito makuha ang gusto nito.

Personal din na pinabulaanan ni Commissioner Belgica na konektado si Dizon sa PACC at kakilala lang ito ni Chairman Jimenez na siyang bumuo sa nasabing grupo na kinabibilangan nito.

Samantala, una nang kinondena ni Dizon ang aniya’y pag inhibit ni Jimemez sa kasong administratibo laban kay DOLE Sec Silvestre Bello III.

Sagot naman ng PACC, wala silang pinapanigan at nagbabase lang sila sa matibay

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *