Pasig-pulis, arestado dahil sa robbery-extortion

Metro News

Ipinag-utos na ni NCRPO Police Major General Guillermo Eleazar ang pagsibak sa labing limang miyembro ng district drug enforcement unit ng Eastern Police District kabilang ang kanilang hepe.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa kanilang kasamahan na si Police Corporal Marlo Siblao Quibete sa entrapment operation dahil sa umano’y pagkakasangkot sa robbery-extortion.

Sa sobrang galit ni Eleazar, hindi nito napigilan na sampalin at saktan si Quibete matapos makaharap.

Ayon sa NCRPO Chief, ikinasa ang entrapment operation matapos magsumbong sa kanila ang isang Eva Cabansag na live-in partner ng naaresto sa isang buy-bust operation.

Hinihingan umano ng pera ni Quibete ang isang drug suspect kapalit ng kalayaan nito.

Nahaharap naman sa kasong robbery extortion si Quibete.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *