Taas-singil sa kuryente

Taas-singil sa kuryente, nakaamba ngayong buwan ng Marso

Metro News

Nakaamba ang taas-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Marso.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, mawawala na kasi ang P0.38 kilowatt per hour (kwh) na refund na ipinatupad noong nakaraang buwan dahil sa sobrang nakolektang universal charge-stranded contract costs.

May nakikita ring pagtaas sa presyo ng kuryente sa spot market, ayon kay Larry Fernandez, head ng utility economics sa Meralco.

Sa taya ng Meralco, posibleng maglaro sa limang sentimos hanggang tatlumpung sentimos ang magiging dagdag sa overall rate.

Bukas, nakatakdang ilabas ng Meralco ang opisyal na halaga ng itataas sa bill ngayong buwan.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *