Regional Evacuation Center

Regional Evacuation Center sa Aklan, binuksan na sa publiko

Regional

Binuksan na sa publiko nitong miyerkules ang isang regional evacuation center sa barangay Tigayon sa Kalibo, Aklan na nagkakahalaga ng Php 37-M.

Pinangunahan naman ni Civil Defense Administrator Ricardo B. Jalad ang pagtuturn-over ng nasabing center sa lokal na pamahalaan ng lugar.

Kaya namang i-accommodate ng evacuation center ang nasa 33 pamilya o nasa 130 katao.

Una naman nang nagbukas ng center sa bayan ng bago at san carlos sa negros occidental.

Nakatakda ding magbukas ng isa pang center sa San Jose sa Antique.

Ang mga regional evacuation center na ito ay parte pa din ng inisyatibo ng mga lokal na pamahalaan upang makapaghanda sa mga di inaasahang sakuna o kalamidad na tatama sa kanilang lugar.

 

Ulat ni: Jao Gregorio

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *