Pagkalas ng Pilipinas

Pagkalas ng Pilipinas sa ICC, magiging epektibo na sa Marso 17

National News

Magiging epektibo na sa linggo, Marso a-disi siyete ang pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Gayunman, ayon kay Human Rights Lawyer Ruben Carranza, may malaking posibilidad na iimbestigahan pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng pamahalaan na nasa likod ng pagpatay sa kampanya kontra iligal na droga kahit maging epektibo ito.

Sinabi ni Carranza, Reparative Justice Director sa International Center For Transitional Justice, na posibleng magpatuloy pa rin ang imbestigasyon sa mga government official bagaman kumalas na sa ICC ang Pilipinas.

Inihalimbawa nito ang kaso ng Burundi kung saan hindi napigilan ng withrawal mula sa I.C.C ang preliminary investigation sa state agents dahil sa umano’y malawakang pag-atake sa mga sibilyan.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *