alexander balutan

PCSO, nilinaw na kusang nagbitiw sa pwesto si ex-PCSO Gen. Manager Alexander Balutan

National News

Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kusang nagbitiw sa puwesto si PCSO General Manager Alexander Balutan.

Ito ang paglilinaw ni PCSO Deputy Spokesman Florante Solmerin, taliwas sa balitang sinibak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Solmerin, personal na dahilan ang pagbibitiw ni Balutan sa kaniyang puwesto.

Magugunitang taong 2016 ng italaga ng pangulo si Balutan bilang general manager ng PCSO.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *