Rehabilitasyon sa pangunahing runway

Rehabilitasyon sa pangunahing runway ng NAIA, makukumpleto na sa Biyernes

Section

Inaasahang makukumpleto na sa Biyernes, Marso a-kinse ang rehabilitasyon sa pangunahing runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, maagang matatapos ang rehabilitation project na orihinal na itinakda sa Hulyo.

Sinabi ni Monreal na masasasakto ito sa inaasahang peak season sa paliparan sa panahon ng tag-init o summer.

Kabilang sa 704-million peso rehabilitation project ang pag-aspalto sa 3,697 na metro na haba at 60 na metrong lapad ng runway 06/24 at ng ilang bahagi ng taxiways ng paliparan.

Kasama rin sa proyekto ang restoration ng runway pavement markings at re-installation ng airfield lights sa runway at connecting taxiways.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *