Oklahoma City Thunder player Russell Westbrook

Oklahoma City Thunder player Russell Westbrook, pinatawan ng one-game ban ng NBA

Sports

Pinatawan ng NBA ng one-game ban si Oklahoma City Thunder player Russell Westbrook.

Ito ay dahil sa pagkadismaya ni Westbrook nang hindi tawagan ng foul si Klay Thompson nang i-block siya nito sa nalalabing mahigit tatlong minuto ng laro na nagresulta sa pagkatalo ng Thunder sa Golden State Warriors.

Dahil dito ay pinatawan siya ng pang-labing anim na technical foul sa NBA regular season.

Sa ilalim ng mga patakaran ng liga, otomatikong suspendido ang manlalaro kapag umabot na sa 16 technicals sa isang season.

Kapag nagkaroon pa ng dalawang technical fouls si Westbrook ay masususpinde rin sa isang laro ang kanyang coach.

Epektibo ang suspensyon sa laban ng Thunder sa Miami Heat bukas.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *