duterte

Pang. Duterte at MILF Founding Chair Nur Misuari, muling nagpulong sa Malacañang

National News

Muling nakipag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari kagabi sa Malacañang.

Sa inilabas na larawan ng Palasyo, makikita na kasama sa pulong sina Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr. at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Gayunman, wala pang inilalabas ang opisina ng pangulo ukol detalye ng meeting na hindi kasama sa schedule na ibinigay ng palasyo sa media.

Ang pulong ay kasunod ng pagbabalik sa bansa ni Misuari matapos itong dumalo sa ilang aktibidad sa ibang bansa.

Pebrero 25 nang unang magkita sina Duterte at Misuari sa Malacañang.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *