maging lone legislative district ang General Santos City

Panukalang batas para maging lone legislative district ang General Santos City, aprubado na ng pangulo

Regional

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagbibigay daan para maging lone legislative district ang General Santos City.

Sa ilalim ng Republic Act 11243 na nilagdaan ng pangulo noong Marso 11, ang lungsod ay magiging ikatlong legislative district na ng probinsya ng South Cotabato.

Sa kasalukuyan, ang General Santos ay bahagi ng unang legislative district kasama ang mga bayan ng Polomolok, Tampakan at Tupi.

Binubuo naman ang ikalawang legislative district ng Koronadal city at mga bayan ng Banga, Lake Sebu, Norala, Santo Niño, Surallah, Tantangan at T’boli.

Ayon sa batas, ang kongresista ng kasalukyang first at second legislative districts ay ipagpapatuloy ang pagrepresenta sa distrito hanggang maihalal ang mga bagong representative.

Ang batas ay itinulak nina Senator Manny Pacquiao na taga-General Santos City at South Cotabato First District Representative Pedro Acharon Jr.

Binanggit ng dalawa ang lumalaking populasyon sa General Santos at pangangailangan para matiyak ang maayos na pangangatawan sa mga mamayan nito sa Kongreso.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *