boston celtics

Boston Celtics, bigo na talunin ang Philadelphia sixers

Sports

Bigo ang Boston Celtics na talunin ang Philadelphia Sixers sa NBA regular season.

Pinadapa ng Sixers ang Celtics sa iskor na 118-113 at naging susi sa tagumpay ang ipinamalas na 37 points ni Joel Embiid at 22 points ni Jimmy Butler.

Sa kabila ng kalamangan sa unang dalawang quarter ng BOSTON ay nalamangan sila ng Philadelphia sa ikatlo at huling bahagi ng laban.

Hindi natapatan ni Kyrie Irving na gumawa ng 36 points at al Horford na umiskor ng 22 points ang husay ng Sixers.

Sa iba pang resulta ng NBA games,  tinalo ng Utah Jazz ang New York Knicks sa iskor na 137-116 habang tinambakan ng Orlando Magic ang New Orlean Pelicans sa iskor na 119-96.

Sa PBA, magsasagupa bukas, araw ng Biyernes ang Columbian Dyip at Talk and Text Katropa sa ganap na alas-kuwatro y medya ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Susundan ito ng sagupaang Magnolia Hotshots at Blackwater Elite ng alas-siyete ng gabi, bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *