water concessionaire.

Regulatory office ng MWSS, hinamon na huwag magpauto sa mga water concessionaire

Metro News

“Huwag magpauto sa mga water concessionaire.”

Ito ang hamon ni Congresswoman Bernadette Herrera- Dy sa regulatory office ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) dahil sa pagkikibit-balikat nito na patawan ng penalty ang Manila Water dahil sa idinulot nitong water shortage sa mga consumer nito.

Ayon kay Dy, dapat ding palitan ang mga namamahala sa regulatory office ng MWSS dahil hindi nito naiintindihan ang kanilang trabaho.

Duda din ang mambabatas na pamilyar na isa’t-isa ang mga taga Maynilad at Manila Water sa MWSS kaya hindi ito napapatawan ng penalty.

Nauna ng naungkat sa Kamara ang paglabag ng Manila Water sa 1997 Concession Agreement dahil sa bigo nitong suplayan ng 24/7 ang mga konsumador.

Kaya tuloy si House Minority Leader Danilo Suarez, nais na ipatong sa General Appropriations Act ang pondo ng MWSS dahil sa ngayon, ay galing mismo sa dalawang kumpanya ang operating fund ng tanggapan.

Sa kabilang banda ay pinamamadali ni Herrera-Dy sa MWSS ang pag-audit sa ipinataw ng Manila Water na water charges sa mga consumers partikular ang mga nasingil mula 2008 hanggang 2016.

Kinukwestyon ng kongresista kung saan napunta ang kinolektang charges para sa water treatment plant na hindi naman gumagana.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang MWSS sa nasabing isyu.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *