christine lee silawan

NBI, iaapela ang pagpapalaya sa pangunahing suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan

Regional

Nakatakdang iapela ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapalaya sa 17-anyos na pangunahing suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Biyernes nang ipag-utos ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya sa suspek dahil inaresto aniya ito na walang arrest warrant.

Ayon kay NBI-Central Visayas Director Attorney Tomas Enrile, kasalukuyan na nilang inihahanda ang motion for reconsideration na planong ihain ngayong araw.

Iginiit ni Enrile na sakop ang pag-aresto sa suspek sa hot-pursuit operation kaya mangatwiran ang warrant-less arrest.

Bukod dito, binigyan-diin ni Enrile na dinakip ang suspek base sa surveillance footage na malinaw na nag-uugnay dito sa kaso.

Sinabi pa ng opisyal na umamin din ang suspek na may partisipasyon siya sa krimen at may dalawa pa siyang kasabwat.

Gayunman, walang abogado ang suspek nang mangyari ang pag-amin.

Sa ngayon, may natanggap na aniyang impormasyon ang mga otoridad sa pagkakakilanlan ng dalawang kasabwat ng binatilyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *