produktong petrolyo

Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad simula bukas

Metro News

Sa ika-pitong sunod na linggo, muling magpapatupad ng taas-presyo sa kanilang produktong petrolyo ang kumpanyang Shell simula bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng Shell, P0.65 ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Habang P0.10 naman sa kada litro ng diesel at kerosene.

Ang oil price adjustment ay magiging epektibo bukas ng alas sais ng umaga.

Inaasahan na mag-aanunsyo rin ng oil price hike ang ilan pang kumpanya ng langis ngayong araw.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *