Doble Plaka Law

Operation center para sa Doble Plaka Law, pinamamadali ni Sen. Gordon

National News

Pinamamadali ni Senator Richard Gordon ang Land Transporation Office (LTO) sa pagpapatayo ng isang operation center para sa mabilis na pagpapatupad ng Republict Act 11235 o ang Doble Plaka Law.

Ayon kay Gordon na siyang principal author ng batas, dapat accesible 24/7 ang mga itatayong operation center para sa mga emergency at inquiries ng mga motorista.

Dapat rin daw tiyakin ng LTO na may mga sapat na computers at telephone lines na gagamitin lamang para sa pagtanggap ng mga sumbong, reklamo, o pagreport ng krimen gamit ang motorsiklo.

Obligado rin ang LTO na magkaroon ng database para sa pagbibigay ng impormasyon para sa mga gagawing imbestigasyon at iba pang law enforcement purposes.

Inaasahan naman ni Gordon ang pakikisa ng Philippine National Police (PNP) sa mabilis na pagresponde sa mga insidente at pakikiisa sa ahensya ng pamahalaan sa mga itatayong operation center.

 

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *