tagtuyot

Mandaluyong at Pasig City, nakararanas ng matinding tagtuyot

Metro News

UMABOT na sa 62 lungsod at munisipalidad ang nakakaranas ng tagtuyot dala ng El Niño.

Kasama sa nakakaranas ng dry spell ang Mandaluyong City at Pasig City sa Metro Manila.

Inaasahan naman ng PAGASA na magiging “full-blown El Niño” ang nararanasan ng bansa.

Samantala, nasa 71,909 pamilya o katumbas ng 353,359,545 katao ang apektado ng tagtuyot sa probinsya ng North Cotabato.

Dahil sa dry spell, isinailalim na sa state of calamity ang MIMAROPA kabilang ang San Jose, Occidental Mindoro, at Rizal.

Sa Region IX naman ay ang Zamboanga City habang sa Region XII ay ang Alamada, M’lang, Aleosan, Magpet, Tulunan, Arakan, Cotabato Province at Matalam.

Kasama rin sa isinailalim sa state of calamity ang mga lugar na sakop ng BARMM, Municipality ng Wao, Lanao del Sur, at Maguindanao.

Gayundin ang municipality ng Datu Abdullah Sangki, Pagalungan, Maguindanao, at Upi, Maguindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *