npa

Pwersa ng NPA, nasa 3,713 na lang ang bilang ayon sa Phil. Army

Regional

Tila wala nang saysay pa ang paggunita ng NPA sa kanilang ika-50 taon ng pagkakatatag o anibersaryo bukas.

Ito ay dahil sa patuloy na paghina ng kanilang pwersa at sumusuporta sa kanila tanda na marami na ang namulat sa katotohanan na mali ang kanilang ipinaglalaban.

Sa katunayan, batay sa tala ng Philippine Army nasa 3,713 nalang ang bilang ng mga rebeldeng NPA sa buong bansa.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Phil. Army Spox Col. Ramon Zagala, maging ang mga tagasuporta ng mga ito ay nawawala na rin dahil sa pagdeklara sa kanila na persona non grata.

Anya, simula 2014 hanggang sa kasalukuyan ay marami ng mga komunidad, barangay, bayan at probinsya ang nagdeklara ng persona non grata sa mga rebelled.

 

Ulat ni: Admar V.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *