election paraphernalia at supplies

Comelec, sinimulan na ang pagpapadala ng ilang election paraphernalia at supplies sa Zamboanga City

Regional

Sinimulan na ng Comelec ang pagpapadala ng ilang election paraphernalia at supplies sa Zamboanga City bago pa ang may midterm elections.

Sinabi ni Atty. Jan Christian Babiera, election officer ng district 2 na kabilang sa poll supplies ay ang 500 ballot boxes at isang back-up battery para sa vote counting machine.

Itinago aniya ang mga suplay sa isang pribadong warehouse na inupahan ng Comelec para sa safekeeping.

Samantala, pinaalalahanan ni Babiera ang mga kandidato sa local na posisyon na baklasin ang kanilang oversized posters.

Inabisuhan din ng Comelec ang mga barangay official at public hospital na alisin ang lahat ng pangalan ng political candidates sa government vehicles kabilang na sa mga ambulansiya.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *