EARTH HOUR

Publiko, hinikayat na makiisa sa isasagawang Earth Hour bukas

National News

Hinihikayat ang publiko na makiisa sa isasagawang Earth Hour bukas.

Ang aktuwal na sabayang pagpatay ng mga ilaw, sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay magsisimula ng alas-8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi.

Gaganapin ang main switch-off event ng Earth Hour 2019 sa Globe Circuit Event Grounds sa Makati, mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Halos 3,000 miyembro ng Boy Scouts of the Philippines ang ipakakalat sa event kung saan bukod sa featured booths ay may mga tampok ding aktibidad at performances.

Ito na rin ang ikalawang taon na gagamitin ang global theme na Connect to Earth para sa patuloy na panawagang pangalagaan ang mundo.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *