Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Wax figure ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, maaaring masilayan ng publiko ngayong araw

Showbiz

Muli na namang gumuhit sa kasaysayan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ay matapos maging kauna-unahang pinay na magkaroon ng sariling wax statue sa pamosong wax museum na Madame Tussauds.

Sa grand reveal kagabi, proud at masayang ipinakita sa publiko ng pinay beauty queen ang tila ikalawang Queen P suot ang Swarovski-Embellished Royal Blue Ball Gown ni Michael Cinco.

Kasunod nito ay nagpahayag ng labis na pasasalamat si Pia sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng globally renowned museum.

Ipininaliwanag din ni Pia ang kwestyon ng karamihan kung bakit Mikimoto Crown ni Catriona Gray ang hawak ng kaniyang wax statue at hindi ang Dic Crown.

Say ni Queen P, ito ay dahil ang Mikimoto na ang magiging opisyal na korona ng Miss Universe ngayon.

Maaari naman masilip ng publiko ang wax figure na ito ng third pinay Miss Universe simula ngayong araw sa the travel festival sa SM megamall bago ilipat sa Madame Tussauds sa Hong Kong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *