Liquid

Liquid ban sa LRT-1, inalis na simula ngayong araw

Section

Maari na muling ipasok ang mga liquid item sa mga istasyon at tren ng Light Rail Transit (LRT) line 1.

Sa twitter post, inanunsyo ng LRT-1 na inalis na ang pagbabawal sa anumang inumin o likido sa loob ng LRT-1 simula ngayong araw, Abril 2.

Matatandaang simula Enero 31 nang magpatupad ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ng liquid ban bilang security measure kasunod ng bombing incidents sa Mindanao.

Una na ring pinayagan ng MRT-3 ang mga liquid item na ang sukat ay 100ml lang at pababa, basta’t sasailalim ito sa pagsusuri ng mga gwardya.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *