acting secretary

Pangulong Duterte, nagtalaga ng acting secretary ng DBM

National News

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting secretary ng Department of Budget and Management (DBM) si Janet Abuel.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inanunsyo ng pangulo ang pagkakatalaga ni Abuel sa pagsisimula ng cabinet meeting kagabi.

Si Abuel ay unang itinalaga bilang DBM Officer-in-Charge noong Marso a-5 kasunod ng kasunod ng pagkakatalaga sa noo’y budget secretary na si Benjamin Diokno bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Nagtapos si Abuel ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *