Pangulong Rodrigo Duterte

Ilalabas na drug matrix ni Pang. Duterte, handang imbestigahan ng PNP

National News

Handa ang Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinabibilangan ng mga pulis.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, walang pa silang natatanggap na anumang dokumento mula sa pangulo.

Sakali aniyang ilabas ng pangulo ang drug matrix ay kanila itong ikukumpara sa kanilang listahan.

Nanindigan ang PNP Chief na seryoso sila na linisin ang kanilang hanay mula sa mga scalawag na pulis.

Lunes nang inihayag ni Duterte na ilalabas niya ang dokumento na naglalaman ng mga pangalan ng pulis na sangkot sa illegal drug trade.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *