Mga lugar na isinailalim sa state of calamity

Mga lugar na isinailalim sa state of calamity, nadagdagan pa

National News

Nadagdagan pa ang mga lugar na isinailalim sa state of calamity bunsod ng epekto ng el niño phenomenon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, apat pang lugar ang nadagdag sa lubos na apektado ng tagtuyot.

Kabilang aniya dito ang Occidental Mindoro, Camarines Sur, Cebu at Cotabato Province.

Sinabi ni Jalad na pumalo na sa mahigit P5-B ang pinsala sa mga pananim ng dry spell.

Habang mahigit 164,000 na magsasaka ang apektado sa Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western at Eastern Visayas, Western at Northern Mindanao at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, patuloy naman ang pagbaba ng antas ng lebel ng tubig sa mga dam sa bansa.

Ayon sa pagasa hydrology division, alas sais ng umaga ay bumaba pa sa 191.49 meters ang tubig sa Angat habang nasa 68.52 meters naman ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *