cocaine

40 bloke ng cocaine, natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Burgos, Surigao del Norte

Regional

Nasa 40 bloke ng hinihinalang cocaine ang nakitang palutang-lutang ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng Burgos, Surigao del Norte.

Ayon kay PNP Caraga Regional Director Brigadier General Gilbert Cruz, nakabalot ang bloke-blokeng cocaine sa lambat at may marking na “Bugatti”.

Kahalintulad ito ng na-recover na cocaine sa barangay Pacifico, bayan ng San Isidro sa nasabing lalawigan.

Dinala na sa Burgos Police Station ang mga hinihinalang cocaine at isasailalim sa pagsusuri ng Crime Laboratory Office.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *