Marawi siege

Higit 5,000 slots, binuksan ng Phil. Army para sa kanilang recruitment

National News

Mahigit 5,000 slots ang binuksan ng Philippine Army para sa kanilang recruitment.

Ayon kay Army Spokesperson Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, mula sa kabuuang 5,387 slots, nasa 4,777 ang inilaan para sa enlisted personnel habang 610 ay mga opisyal na magtatapos mula sa philippine military academy.

Makatatanggap ng 41,000 pesos na buwanang basic pay at allowances ang mga kuwalipikadong aplikante para sa rank of private.

Kailangang naturally born Pinoy ang mga recruit, may edad na nasa pagitan ng 18 at 25, nagtapos ng sekondarya o nakumpleto ang kahit 72 units sa college at may taas na 5 feet.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *