Kirstjen Nielsen

Kirstjen Nielsen, nagbitiw sa pwesto bilang kalihim ng US Dep’t of Homeland Security

International News

Nagbitiw na sa pwesto bilang kalihim ng U.S. Homeland Security si Kirstjen Nielsen.

Ito ay ilang araw matapos ang pagbisita ni US President Donald Trump sa kontrobersyal na southern border.

Bagaman sinabi nito na isang karangalan na magsilbi sa naturang ahensya ay wala namang ibinigay na dahilan si Nielsen sa kanyang pag-alis.

Hinala ng maraming kritiko, posibleng tinanggal ang kalihim sa puwesto dahil sa pagsalungat nito sa border policies ni Trump.

Agad naman itong pinabulaan ng White House at nilinaw na hindi nila pinilit na umalis si Nielsen, bagkus ay sarili niya itong desisyon.

Pansamantalang itinalaga ni Trump si Custom and border Protection Commissioner Kevin Mcaleenan bilang secretary ng Homeland Security.

Si Nielsen ang responsable sa pagpapatupad sa panukalang border wall at separation of migrant families.

 DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *